Lifestyles Tourist Guide News
Rabies in Philippines Preventive Vaccination Center
Health

Rabies in Philippines Preventive Vaccination Center

like us:

Rabies in Philippines Preventive Vaccination Center para sa mas mabilis at agarang lunas para sa rabis.  Sa bawat taon, 600 Pilipino ang namamatay sa rabies, at 100,000 naman ang binabakunahan laban sa rabies.

Ang rabies ay nakukuha sa laway at ihi ng aso, pusa, daga at paniki. Kapag tinamaan ang pasyente ng rabies, maghihintay pa ng 3 hanggang 8 linggo bago magkakaroon ng sintomas. Ang sintomas ng rabies ay ang pamamanhid sa lugar ng sugat, pagwawala, paglalaway at paninigas ng masel sa mukha.

Tandaan: Kapag nagkaroon na ng sintomas ng rabies ay mahirap na itong gamutin. Dahil dito, kailangan nating maagapan ang lahat ng kagat ng aso at pusa.

First-aid sa kagat ng aso at pusa:
1. Hugasan ang sugat gamit ang sabon at umaagos na tubig sa loob ng 10 minuto.

2. Lagyan ng povidone iodine ang sugat. Huwag lagyan ng ointment o takpan ng masikip ang sugat. Gusto nating lumabas ang laway ng hayop na posibleng may dala ng rabies.

3. Tandaan: Huwag lagyan ng bawang, suka, o colgate ang sugat. Hindi ito nakagagamot at baka magdulot pa ng tetanus.

4. Dalhin kaagad ang pasyente sa ospital tulad ng PGH sa Taft Avenue, San Lazaro Hospital sa Tayuman, Manila, o RITM sa Alabang.

5. Hulihin ang aso at obserbahan ito ng 10 araw. Kapag nagpakita ang aso ng senyales ng rabies (nagla-laway at nagwawala), dalhin ito sa nakatakdang ospital (tulad ng RITM) para ma-eksamen ang utak ng hayop.

Kailan nagbibigay ng bakuna:

1. Kapag nalawayan ka lang ng hayop at wala namang sugat sa balat, ligtas ito at hindi kailangang magpabakuna.
2. Ngunit kapag nakagat ng hayop at may sugat, kailangan ng bakuna laban sa rabies. Obserbahan ang aso ng 10 araw. Kapag walang nangyari sa hayop, ang ibig sabihin ay wala itong rabies at ligtas ang pasyente.

3. Kapag malalim ang kagat ng aso, o nakagat sa bandang mukha o leeg, kailangan agad bigyan ng bakuna at gamot ang pasyente. Dalhin agad sa mga nabanggit na ospital.

Tips para makaiwas sa rabies:

1. Para makaiwas sa sakuna at makasakit ng ibang tao, pabakunahan ang inyong mga alagang aso.

2. Huwag hayaang makawala ang aso at lagyan ito ng tali.

3. Ireport ang gumagalang aso sa otoridad.

4. Kapag naglalakad sa kalsada, magdala ng payong para may pangta­boy kayo ng aso.

5. Huwag hayaan ang bata na makipaglaro sa hayop.

6. Huwag guguluhin ang mga hayop habang sila ay kumakain, natutulog o nagpapasuso ng ka­nilang anak.

7. Kapag may sugat kayo sa katawan, huwag hayaang dilaan ng aso ang iyong sugat at baka mahawahan ka ng rabies virus.

8. Sa mga nag-aalaga ng hayop, puwede kayong magpabakuna na laban sa rabies. Kumunsulta sa inyong doktor.

From https://www.philstar.com/opinyon/2012/05/17/807391/rabies-sa-pilipinas by DOC WILLIE – Dr. Willie T. Ong

Rabies in Philippines Preventive Vaccination Center

Rabies in Philippines Preventive Vaccination Center

St. Lazarus Rabies Preventive Vaccination Center & Medical Clinic

ITO PO ANG SINUSUNOD NG DOH AT LAHAT NG ANIMAL BITE CENTER NA PROTOCOL SA PAGBABAKUNA NG MGA NAKAGAT/KALMOT NG ASO O PUSA. (Basahing Mabuti Para Maintindihan)

CATEGORY 1 – DINILAAN LANG NG ASO SA KAMAY, BRASO, WALANG SUGAT, NAGPAKAIN NG ASO.

TREATMENT:
A. WALA PONG BAKUNANG IBIBIGAY DAHIL WALANG KAGAT O KALMOT NA NANGYARI DUN SA ASO O PUSA. ANG KAILANGAN LANG AY OBSERBAHAN ANG HAYOP NG 2 LINGGO. PAG WALANG NANGYARI SA ASO, SAFE NA IBIG SABIHIN WALANG RABIS ANG ASO NUNG ORAS NA NAKAGAT KA NYA.

B. PWEDENG MAGPAINJECT NG ANTIRABIES ANG TAO BAGO MAKAGAT (PRE-EXPOSURE ANTIRABIES VACCINATION) Kayo po ay mayalaga ng aso o pusa hindi maiiwasan na in time makakagat o kalmot nya kayo. kaya magpabakuna na bago pa makagat, magiging sigurado na protectado ka na makakamura ka pa sa halaga ng gamot. pag kyo po kasi ay nakagat na ng aso at dun palang magpainject ng antirabies mas mahal po ang gastos lalo pag malaki ang kagat, nagdugo at malaki ang pasyente. ang PREEXPOSURE VACCINE po ay magbbiga ng 5 taon protection kapag natapos nyo ang bakuna. ykung sakaling akagat kayo uli, kahit malala pang kagat o namatay ang aso di na kayo gagastos ng malaki kailanganna lang magbooster dose ng antirabies ng 2 beses. ang halaga po ng bakuna ay 500 kada inject 3 beses babalik, sa Day 0, after 7 days and after 21 days

cATEGORY 2, MINOR SCRATCHES WITH NO SPONTANEUOS BLEEDING AT BUHAY ANG ASO O PUSA
TREATMENT:
1, UNA OSERBAHAN ANG ASO NG 2 LINGGO ARAW ARAW PAG NAGIBA NG UGALI O NAMATAY O NANGHINA BUMALIK AGAD SA CLINIC PARA IBIGAY ANG GAMOT NA IMMUNOGLOBULIN O MAS KILALA SA TAWAG NA ERIG.

2. MAGUMPISA NG ANTIRABIES VACCINE (ACTIVE) ITO PO YUNG RABIBUR, VERORAB, O RABIES VACCINE
MAY DALAWANG PARAAN NA BINIBIGAY ANG ACIVE VACCINE DEPENDE SA HOSPITAL O CLINIC.

A. INTRADERMAL – (ISANG BOTENG GAMOT HINAHATI SA MGA PASYENTE) GINAGAMIT PO SA PAMPUBLIKONG HOSPITAL AT SA CLINIC. ITO PO AY MAS MURA AT MAS MAGANDA IBGAY SA MGA PASYENTE NA MAY PROBLEMA SA PANGASTOS.

APAT NA BESES PO KAYO BABALIK , UNANG INJECT THEN AFTER 3 DAYS, AFTER 7 DAYS THEN AFTER 28 DAYS. ( HALAGA PO NITO AY 350 SA SLH, SAAMIN PO AY 500 KADA INJECT) PAG NATAPOS PO ITO MAGBBGAY NG 5 TAON PROTECTION LABAN SA RABIES SA TUWING MAKAKAGAT ULI MAGBOBOOSTER DOSE NG 2 BESES PARA MAPATAAS ANG PROTEKSYON.

B. INTRAMUSCULAR (ISANG BUONG BOTE INIINJECT SA ISANG PASYENTE) ITO PO AY GINAGAMIT SA MGA PRIBADONG HOSPITAL O SA MGA PASYENTE NA MAHINA ANG IMMUNE SYSTEM TULAD NG MAY MGA DIABETES, UMIINOM NG STEROIDS, MAY PROBLEMA SA KIDNEY.

LIMANG BESES PO KAYO BABALIK DITO UNANG INJECT THEN AFTER 3 DAYS, AFTER 7 DAYS THEN AFTER 14 DAYS AT AFTER 30 DAYS. ANG HALAGA PO NITO AY 1500 PESOS HANGANG 2500 PESOS DEPENDE SA HOSPITAL.

PAREHAS LANG DIN PO ANG PROTECTION NA MAKUKUHA SA KALAHATI (INTRADERMAL) O SA BUO (INTRAMUSCULAR) NA BAKUNA. KAYA LANG PO NAIIBGAY ITO SA MGA PRIBADONG HOSPITAL DAHIL KAUNTI ANG PASYENTE NILA AT DI NAHAHATI ANG GAMOT.

SA MGA MAY INSURANCE CARD KUNG PUPUNTA KAYO SA PRIBADONG HOSPITAL AT IPAPACARD ANG ANTIRABIES TANUNGIN MABUTI KUNG ICOCOVER NG CARD ANG HANGANG SA HULING INJECTION. MAS MADALAS PO KASI NA ISA LANG ANG KINUCOVER NG INSURANCE KAYA NAHIHIRAPAN ITULOY NG PASYENTE ANG BAKUNA DAHIL SA MAHAL NG PRESYO.

CATEGORY 3 – MADAMING KAGAT, NAGDUGO ANG SUGAT, PATAY ANG HAYOP, GALA ANG HAYOP O MAHINA ANG ASO

TREATMENT:
1. ACTIVE ANTIRABIES INJECTION (BASAHIN PO UNG SA TAAS) INTRADERMAL O INTRAMUSCULAR.

2. IMMUNOGLOBULIN (ERIG) ITO PO AY BINIBIGAY LAMANG KUNG KAILANGAN SA MGA PASYENTE NA PANGIT ANG KAGAT O PATAY ANG HAYOPO MAHINA, GALA .

MAHAL PO ITONG GAMOT NA ITO DAHIL DEPENDE ITO SA TIMBANG NG PASYENTE MAS MABIGAT MAS MADAMING GAMOT. PARA MISMO KAYO MAKAALAM KUNG ILANG ML O BOTE NG GAMOT ANG GAGAMITIN SA INYO, ISANG ERIG PO NA BOTE ANG LAMAN AY 5ML. KUNIN NYO ANG TIMBANG IN KILOGRAMS AT IMULTIPLY SA .2ML = LALABAS DYAN ANG KAILANGANG ML NA IINJECT SA PASYENTE. EXAMPLE 45 KILOS ANG PASYENTE X .2ML = 9ML PO ANG KAILANGAN SO 2 BOTE ANG KAILANGAN IINJECT. (ANG HALAGA PO NG ISANG ERIG AY 1400 HANGANG 2300 DEENDE SA HOSPITAL O CLINICP)

ITO PONG ERIG (EQUINE RABIES IMMUNOGLOBULIN) AY INISKIN TEST MUNA SA PASYENTE BAGO IBIGAY DAHIL MAARI KAYONG MAGKAALERGY. KAYA PAG NAGINJECT NG ERIG IWASAN KUMAIN NG MGA MALALANSANG PAGKAIN UPANG MAIWASAN MAGKAALERGY. KUNG SAKALING MAGKAALERGY, MANGATI, MAMANTAL O MAHIRAPAN HUMINGA BUMALIK AGAD SA CLINIK O HOSPITAL PARA MABIGYAN NG GAMOT.

KUNG SA SKIN TEST PO NAKITA NA MAY ALLERGY KAYO D PWEDENG IBIGAY ANG ERIG. ANG GAGAWIN PO AY IBIBIGAY SAINYO ANG IMMUNOGLOBULIN NA ANG TAWAG AY HRIG. HUMAN RABIES IMMUNOGLOBULIN. ITO PO AY NAPAKAMAHAL AT DEPENDE DIN SA INYONG TIMBANG KAYA SANA WALA KAYONG ALLERGY SA ERIG.

TANONG: ANO BA ANG ERIG AT ANO PAGKAKAIBA SA ACTIVE VACCINE.
SAGOT: ANG ERIG PO AY MAGBBGAY NG AGARANG PROTECSYON LABAN SA RABIES KAYA BINIBIGAY ITO AGAD SA MGA PASYENTE NA MAY PANGIT NAKAGAT (CATEGORY 3) AGARANG PROTEKSYON ANG IBBIGAY PERO PANANDALIAN LANG PO KAYA KAILANGAN NYO TAPUSIN ANG ACTIVE VACCINE YUNG BINABALIKBALIKAN PARA MAGBIGAY SA INYO NG PANGMATAGALANG PROTEKSYON LABAN SA RABIES(5 TAON)

SA MGA NAGTATANONG MAY LIBRE BANG ANTI RABIES? MERON PO DEPENDE SA CITY NINYO SA QUEZON CITY PO LIBRE ANG UNA AT PANGHULING INJECTION KUNG TIGA QC KAYO. KADALSAN PO ANG ERIG YUNG MAHAL NA GAMOT AY TALAGANG ANG PASYENTE ANG BUMIBILI. KAYA KUNG KULANG PO TALAGA ANG PANGASTOS PUMUNTA PO KAYO SA PANGPUBLIKONG HOSPITAL TULAD NG SAN LAZARO HOSPITAL AT LUMAPIT SA SOCIAL SERVICE. MAARI LAMANG PO NA MAAGA KAYO MAGPUNTA AT MAGING MATYAGA AT MAGPACENCIA DAHIL EXPECT NINYO NA MAHABA ANG PILA. TUTULUNGAN NAMAN PO KAYO KUNG TALAGANG KULANG KAYO NG O NG PANGASTOS NG SOCIAL SERVICE.

BUKOD SA ANTIRABIES PAG NAKAGAD NG ASO O PUSA KAYO DIN PO AY DAPT BIGYAN NG ANTI TETANO AT ANTIBIOTICS.

PAALALA!
1. PAGNAKAGAT O NAKALMOT NG ASO LINISIN LANG ANG SUGAT NG SABON AT TUBIG AT LAGYAN NG BETADINE. WAG LAGYAN NG KUNG ANO ANO TULAD NG BAWANG, PAPAYA UPOS NG SIGARILYO O TANDOK.
2. WAG SAKTAN ANG HAYOP NA NAKAGAT ALAGAAN ITO DAHIL KAILANGAN MAOBSERBAHAN ITO NG 2 LINGGO. WAG NYO ITAPON O PTAYIN ANG HAYOP TANDAAN NYO PAG NAMATAY O NAWALA ANG HAYOP MAS MAHAL ANG GAGASTUSIN NYO DAHIL BIBIGYAN KAYO NG ERIG.
3. KUNG NAMATAY ANG HAYOP, PUTULIN ANG ULO NITO ILAGAY SA PLASTIC AT ILAGAY SA YELO AT DALIN AGAD SA BUREAU OF ANIMAL SA VISAYAS AVE PARA MAEXAMINE ANG ULO NITO.
4. SA MAY MGA MAYARI NG ASO O PUSA TANDAAN NA RESPONSIBILIDAD NINYO NA PABAKUNAHAN ANG NAKAGAT O KALMOT NG ALAGA NINYO. BASAHIN ANG RABIES ACT OF THE PHILIPPINES. MAKIAGUSAP NA LANG PO NG MAAYOS SA NAKAGAT AT MAKIUSAP NA KUNG MAARI NA MAGHATI KAYO SA GASTOS DAHIL WALA NAMAN AY GUSTO SA NANGYARI.

credit from facebook post St. Lazarus Rabies Preventive Vaccination Center & Medical Clinic
facebook.com/antirabies.salvador/posts/ito-po-ang-sinusunod-ng/1080326631986716/